Wednesday, April 16, 2008

A LETTER FROM BOY ANG

TO: BANTAY-SABONG

Dear Sir,
Just want to share with you that PETA is all over condemning our beloved sabong sport. My daughter, a junior medical student at UP Manila- PGH told me that the PETA group held a forum at their university.

As expected, my daughter stood out and proudly told everybody that her father breeds fightingcocks, then related the TLC I give to the chickens, and refuted the PETA that sabungeros are not brutal to chickens and are far different from what they perceived us to be. That it is but the animal instinct of chickens to fend for themselves when pitted during spar, just like all other animals.
I hope the kids of all our kasabongs are smart enough to stand out and defend our sport when PETA visits their campuses.More power to Bantay-Sabong.Regards, Boy Ang Los Banos, Lagunaa.k.a. : ACAngnqbtors

BANTAY-SABONG UPDATES

BANTAY-SABONG UPDATES :

ENTRIES SA BANTAY-SABONG 1-COCK ULUTAN SA LAS PIÑAS NADAGDAGAN

Lalo pang nadagdagan ang mga nagkumpirma ng pagsali sa nakatakdang Bantay-Sabong sa Las Piñas 1-Cock Ulutan sa Abril 29, matapos na magpalista ang may sampu pang entries sa thread para sa nasabing pasabong sa www.sabong.net.ph.

Ang mga bagong nadagdag ay ang mga entries na LITTLE PRINCE – BOOLICK;MCI/K10, MCI/SUN & SHIELD; MANA MANA; BBMANTRA; SALMINGOLD; FORCE OF HABIT; SAMARA 1; SAMARA 2; JAYRON THUNDERFOOT; ANDRONICO/VNC at MARK/VNC.
Tinatayang hindi na kukulangin sa 100 ang dami ng entries kapag naidagdag ang regular na mga sumasali sa Las Piñas Coliseum.

Bilang dagdag na gantimpala sa makakakuha ng “Fastest Win”, ang magkapatid na Bahia (Loy at Aldwin) ay magkakaloob ng kalahating dosena ng kanilang ipinagmamalaking Sarawak knives.

Ang magtatala ng pinakamabilis na panalo ay tatanggap din ng isang tropeo mula sa Thunderbird Power Feeds at libreng patuka mula sa Ninja Feeds.


MGA BAGONG BANTAY-SABONG CHAPTERS

Anim pang mga bagong Bantay-Sabong Chapters ang nadagdag sa dumadaming bilang ng mga sabungan na sumusuporta sa Bantay-Sabong at nangangalap ng mga kasapi para sa nasabing samahan sa kanilang nasasakupan.

Ang mga nasabing chapters ay ang Daang-Hari Coliseum sa Imus, Cavite; San Pedro Coliseum sa Laguna; Del Monte Cockpit Arena sa Malabon; Cabuyao Coliseum sa Laguna; Las Piñas Coliseum at Calamba Cockpit sa Laguna din.